BOC sinamsam 51 imported car sa Pasig showroom

Kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang 51 unit ng mga high-end na sasakyan na nakaimbak sa isang showroom sa Pasig City, noong Miyerkoles.

Ito’y matapos na maghain ang BOC ng warrants of seizure and detention laban sa mga indibidwal na may-ari ng 51 imported na sasakyan na natuklasan sa showroom.

Nabatid na noong Hulyo 4, sinilbihan ng isang Letter of Authority at binigyan ng 15 araw na palugit ang registered individual owners upang magsumite ng mga ebidensya ng pagmamay-ari at pagbabayad ng tamang buwis para sa mga imported na sasakyan. Pero nabigo umano ang mga may-ari ng 51 imported na sasakyan sa 15 araw na palugit sa kanila.

Kaya inutos ng BOC na samsamin ang 51 unit ng mga sasakyan alinsunod sa Section 224 ng Customs Modernization and Tariff Act.

Nabatid na 28 sa mga naturang sasakyan ang inilipat sa Port of Manila, habang ang natitirang 23 ay naka-iskedyul pa lang ang pag-transfer.

Inihayag pa ng tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubi na dapat maging babala ito sa lahat ng importer at dealer ng sasakyan na sumunod sa mga regulasyon ng gobyerno.

(Dolly Cabreza)

The post BOC sinamsam 51 imported car sa Pasig showroom first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments