‘Walang public apology na magaganap’-Sabrina M

Nakatanggap kami ng mensahe kay Sabrina M sa aming FB messenger.

Wala umano siyang gagawing public apology sa rebelasyon niyang siya ang huling girlfriend umano ng yumaong si Rico Yan.

Binigyan kasi siya ng taning ni Atty. Ferdinand Topacio hanggang 4PM ng Linggo para humingi ng tawad sa publiko.

“Wala pong public apology na magaganap, kung ano man panakot na ikakaso nila, karapatan nila iyon at haharapin nalang namin ng mga abogado ko ang isasampa nila,” bahagi ng mensahe ni Sabrina.

“ Sinabihan na rin po ako ng abogado ko na ‘wag na mag comment pa,” dagdag pa ng aktres ng pelikulang “Manang”.

Hirit pa ni Sabrina: “Nag- review na rin kami ng videos sa YouTube para alamin din (kung) sino (ang) pwede namin kasuhan.”

See Related Stories:

Claudine, Sabrina pinagtawanan kay Rico Yan

‘Di raw naging GF ni Rico si Sabrina… Claudine nakahanap ng kakampi

The post ‘Walang public apology na magaganap’-Sabrina M first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments