China binutata sa taktikang ilihis pambu-bully 

Binara ng isang mambabatas ang alok ng China na bilateral talks sa Pilipinas na taktika lamang umano upang malihis o makalimutan ang insidente sa Ayungin Shoal na kinondena ng maraming alyadong bansa sa buong mundo.

Ito ang binigyan diin ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte kasabay ng pagsasabing malabo at kalokohan lamang ang naturang alok dahil tiyak namang hindi rin tatalima at puro panlilinlang lamang ang gagawin ng China.

Sa halip, iginiit ng kongresista na ituloy at simulan na ang planong joint maritime patrol kasama ang mga kaalyadong bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Dapat umanong gagawin na ang susunod na rotation and reprovision (RORE) mission para sa mga sundalong Pilipino na nakaposte sa Ayungin Shoal ang planong joint patrol kasama ang Estados Unidos at iba pang kaalyado na hangad na mapangalagaan ang malayang paglalayag sa WPS.

“Our government needs to focus on accelerating this external defense option, “rather than waste its time on Beijing’s obviously obfuscatory tactic to blot out the globally condemned water-cannoning by Chinese vessels of our coast guard and civilian supply boats on a RORE mission to Ayungin Shoal for our troops stationed there at the grounded BRP Sierra Madre,”ayon kay Villafuerte.

Nitong weekend ay nanawagan si Chinese Foreign Minister Wang Yi na maging kalmado kasabay ng alok na dayalogo upang humupa umano ang tensiyon na nag-ugat sa Ayungin incident. (Eralyn Prado)

The post China binutata sa taktikang ilihis pambu-bully  first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments