Enrique naudlot sa sanib-puwersa ng Star Cinema, GMA

Nabalitang gagawa ng pelikula si Enrique Gil sa GMA Pictures na collab ng Star Cinema.

May q pamagat na “Disband.” Dapat sa September o October ang shooting, pero dahil busy ang karamihan sa cast, na-move for next year ang shooting.

May ginagawa kasing pelikula sa Star Cine si Enrique at ang mga kasamang cast sa ‘Disband” ay may kanya-kanyang project.

Si Enrique, gagawin o baka ginagawa na ang comeback movie niyang “I Am Not Big Bird” na co-produced ng Black Sheep at Anima Studios at sa Thailand ang shooting.

Si Ruru Madrid, nagte-taping ng “Black Rider” at hindi kami sure kung tapos na ang shooting nila ni Yassi Pressman ng pelikulang “Video City.”

Busy rin si Kylie Padilla sa mga project na “Black Rider” at ‘Voltes V: Legacy.” Busy rin si Buboy Villar sa “Eat Bulaga,” at “Bubble Gang” at may gagawin ding series.

Hindi rin nagpapahuli sa pagka-busy si Derrick Monasterio na kasama rin sa cast ng ‘Disband” .Magsisimula na ang taping nila ni Elle Villanueva ng “Makiling” sa September. Kaya sa halip na magkaproblema sa schedule, napagdesisyunan na next year na gawin ang ‘Disband” lalo at may shoot sila sa ibang bansa.

Speaking of Derrick, para paghandaan ang mga eksena nila ni Elle sa “Makiling,” nag-workshop sila on their own. Hindi na hinintay ang pa-workshop ng network Pati ang action scenes, pinaghandaan din ng dalawa Sabay silang sumabak sa physical at emotional training. Gusto ng magdyowa na maging successful ang pagbibidahan nilang Afternoon Prime. (Nitz Miralles)

The post Enrique naudlot sa sanib-puwersa ng Star Cinema, GMA first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments