May tumawag na plastic at orocan si Jak Roberto dahil sa ipinahayag na hindi siya nagseselos sa love team ng girlfriend niyang si Barbie Forteza at David Licauco.
Nang matanong kasi si Jak kung nagseselos ba siya sa BarDa love team, napaka-positive ang sagot nito. Sa halip na magselos, happy raw siya sa achievements ni Barbie at siya ay nakasuporta lang. Ganu’n din si Barbie sa kanya .
“Walang selos, go lang! Professional lang tayo, trabaho lang. Masaya ako na successful silang dalawa at maganda ang pagtanggap ng tao sa love team nila, ako rin naman, nakasuporta sa kanila,” sabi ni Jak.
Alam ng aktor na ang mga fan nila ni Barbie ang nagre-react at mas affected sa kanya.
Ipinagpapasalamat niya ito. Ang ibig sabihin daw, marami ang nagmamahal sa kanya.
Alam din ni Jak na minsan nagte-trending siya dahil may nagsasabi sa kanya. Pero, ipinagtataka raw niya dahil wala naman siyang ginagawa at sinasabi. Hindi naman maiwasan kung minsan mag-post siya tungkol sa kanila ni Barbie, lalo na kung birthday ng gf o anniversary nila dahil magdyowa nga sila.
Speaking of Jak, ginawan siya ng sariling university ng kanyang mga fan.Tinawag itong Jak Roberto University o JRU at ang in-offer na kurso ay BS in Anti-Selos, BS in Selos Rights. Naka-enroll na raw si Gabbi Garcia at nagbibigay rin siya ng anti-selos advise kina Rocco Nacino, Kristoffer Martin, Cai Cortez, at Yasmien Kurdi na mga kasama niya sa GMA Afternoon Prime na “The Missing Husband.” Ang tawag nga kay Jak ay “Prof Jak” .Inilabas ang mga dating dance video niya na ipinag-react ni Barbie.
“Tapos nagrereklamo ka na pagod na pagod kang sumayaw e choice mo naman pala” reaction ni Barbie at sinundan ng laughing emojis.
Heto na nga, pahabol, nagalit ang ibang BarDa fans at mga tagahanga ni David dahil sinakyan daw ang pagte-trending ng hashtag na #JakRobertoUniversity. Hindi raw naisip ni Jak na nasira si Barbie at nasira si David sa kanyang ginawa, kaya may sagutan na naman sa X (former Twitter). May dagdag na tawag nga kay Jak, clout chaser raw siya na pinalagan ng kanyang mga fan.
The post Walang selos factor sa BarDa: Jak tinawag na plastik first appeared on Abante Tonite.
0 Comments