Lolit imbyerna kay Willie sa tsinuging kaibigan

Naglabas ng saloobin sa Instagram ang beteranang entertainment journalist na si Lolit Solis. May dahilan umano ang hinanakit niya kay Willie Revillame.

May isang tao pala ang naging rason ng galit niya sa host. Aniya, ”

Baka isipin ng tao na sobra ako mean o salbahe kay Willie Revillame. Actually ang reason lang naman kung bakit ako nagalit eh ng alisin niya sa trabaho si Jopay Manago na dati niyang talent coordinator.”

Matapos daw mawalan nang trabaho ng dating talent coordinator ay ipinasok na ito sa Home for the Aged dahil mag-isa na lamang ito sa buhay. Lingid sa kanyang kaalaman na dapat ay sa kamag-anak ito magalit at hindi kay Willie subalit hindi umano mawala sa kanyang isipan na ito ang sinapit ng kaibigan matapos mawalan ng trabaho.

Dagdag pa niya, “Dasal na nga lang ang puwede gawin for Jopay na sana maayos ang lagay niya. At sana magkaroon ng kahit konti panahon mga kamag-anak niya na dalawin siya.”

Nagbigay rin siya ng payo kay Willie na ‘wag na umanong ipilit ang sarili. Aniya,”huwag ipilit kung medyo nag -slide ka na as an entertainer. Hintayin mo na lang ulit na hanapin ka ng tao bago bumalik sa harap ng kamera. Huwag ipilit kung talagang hindi ka na hinahanap ng tao. Pahinga muna. Mag -isip ng mga bagong jokes. Tingnan uli kung ano gusto ng manonood. Puwede naman pahinga muna. Huwag pasok nang pasok pag di mo pa oras dahil hindi pa interesado mga tao sa iyo. Wait muna para bongga.”
Bukas ang panig ni Willie sa deklara ni Manay Lolit.

The post Lolit imbyerna kay Willie sa tsinuging kaibigan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments