P90M bulok na karne, isda nasilat sa bodega

Sinalakay ng Bureau of Customs at Department of Agriculture ang isang malaking warehouse sa M. Naval Street Navotas City.

Dito nadiskubre ang labing walong cold storage na naglalaman ng mga expired na isda at karne na nabubulok at nangangamoy na.

Tinatayang nasa 360,000 kilo ang mga nasabat na agricultural product tulad ng karne, baboy, baka, manok at galunggong na may katumbas na halagang P90 milyon.

Binigyan naman ng BOC ng 15-araw ang warehouse para patunayang nagbayad sila ng buwis sa pamamagitan ng import document.

Kung mabibigo ay bibigyan sila ng warrant of seizure and detention. (Natalia Antonio)

The post P90M bulok na karne, isda nasilat sa bodega first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments