2 Totoy kinalawit sa holdap

Swak sa piitan ang magpinsan na kapwa Grade 11 matapos mangholdap sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat kay P/Lt. Col. Richard Mepania, hepe ng Project 6 Police Station, ng Quezon City Police District, nag-aabang umano ng masasakyan ang isang babaeng biktima nang lapitan ng magpinsan na kapwa menor de edad, kasama ang dalawang lalaki at tinutukan ng patalim.

Agad na kinuha ng mga suspek ang cellphone ng biktima bago nagsitakas.

Nagkataon naman na may mga nagpapatrulyang pulis sa lugar kaya agad nakahingi ng tulong ang biktima at naaresto ang magpinsan.

Nakumpiska sa dalawa ang ginamit na patalim pero wala  umano sa kanila ang ninakaw na cellphone.

Sa kulungan, sinabi ng  mga suspek na napilitan lamang nilang mangholdap dahil parehong may karamdaman ang kanilang mga magulang at wala silang maipambili ng gamot.

Inihahanda na ang kasong robbery laban sa magpinsan. (Dolly Cabreza/Natalia Antonio)

The post 2 Totoy kinalawit sa holdap first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments