Surigao del Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude-4.9 na lindol ang Surigao del Sur nitong madaling araw ng Biyernes, Setyembre 29.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na naitala ang pagyanig ala-1:06 ng madaling-araw, na may lalim na 18 kms.

Ang epicenter nito ay nasa 47 kilometro (kms) hilagang-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur.

sabi ng Phivolcs.

Wala namang naitalang pinsala mula sa tectonic na lindol, ayon na rin sa Surigao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Samantala, alas-5:54 ng umaga ay muling niyanig ng magnitude-3.5 tectonic ang lalawigan at ang epicenter nito ay 49 kms hilagang-silangan ng Cagwait.

The post Surigao del Sur niyanig ng lindol first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments