21 bahay winasiwas ng buhawi

NASA 21 kabahayan ang nasira dahil sa nagdaang ipo-ipo o tornado sa bayan ng San Vicente at San Ildefonso sa Ilocos Sur noong Huwebes.

Sa ulat, ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) officer Reygee Rocero, nasa 18 na kabahayan sa San Vicente ang nasira partikular na sa Barangay Lubong.

Ang nasabing buhawi ay nanagasa din sa bayan ng San Ildefonso at naminsala din ng mga kabahayan.

Sinabi ng MDRRMO na wala namang nasaktan o namatay sa nasabing insidente. (Allan Bergonia)

The post 21 bahay winasiwas ng buhawi first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments