DOH ikakasa mga `expert’ sa nursing shortage

Ikinukonsidera ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang pagkuha ng mga eksperto bilang advisory group upang matugunan ang problema sa kakulangan ng nurse sa bansa.

Inihayag ito ni Herbosa sa panayam sa kanya matapos dumalo sa 1st Philippine National AIDS Council (PNAC) HIV Summit na ginanap sa Pasay City.

Ayon kay Herbosa, ikinukonsidera niyang mag-recruit ng karagdagang consultant upang palakasin ang nursing sector.

Inutos na rin umano ni Herbosa ang pagtatag ng National Nursing Advisory Group na binubuo mga technical expert na magbibigay ng kanilang mga pananaw at gabay upang maresolba ang kakulangan ng nurse sa bansa.

Binigyang-diin pa ng kalihim ang importanteng papel na ginagampanan ng mga nurse sa healthcare system ng bansa at kinilala rin niya ang mga problemang kinakaharap ng naturang sektor sa kasalukuyan. (Juliet de Loza-Cudia)

The post DOH ikakasa mga `expert’ sa nursing shortage first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments