Mga sari-sari store target sa price cap ayuda

Bukod sa P15,000 ayuda sa mga maliliit na rice retailer posibleng makatanggap din umano ng tulong ang mga sari-sari store na nagtitinda ng bigas.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Agaton Uvero, posibleng may iba pang tulong na matanggap ang mga rice retailer na manggagaling naman sa mga lokal na pamahalaan.

Kasama aniya sa maaaring matulungan din ang mga sari-sari store na may tindang bigas.

“Sa mga retailer, sa mga LGU maliban `yung tulong nila, may cash saka may libreng rental sa mga public market tapos mula naman sa mga public market, plano naman expand `yung tulong doon sa mga sari-sari store na nagtitinda rin ng bigas, mas maliit lang `yung subsidy pero papunta rin doon,” paliwanag ni Uvero.

Samantala, target aniya ng pamahalaan na matapos sa susunod na linggo ang pamamahagi ng P15,000 ayuda sa mga maliliit na rice retailer sa Metro Manila upang isunod na ang mga nasa probinsya.

“Base sa target, tatapusin lahat ng lugar sa National Capital Region by next week, at magsisimula na rin sa mga probinsya by next week,” ayon kay Uvero. (Betchai Julian)

The post Mga sari-sari store target sa price cap ayuda first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments