Inilahad kahapon ng isang transport group na hindi pa nakakatanggap ng fuel subsidy mula sa gobyerno ang lahat ng mga public utility vehicle (PUV) driver at operator.
Ayon kay Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) president Boy Vargas, plano nilang dumulog sa tanggapan nina Transportation Secretary Jaime Bautista at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III ukol dito.
“Ang hinihintay sana namin ay `yung fuel subsidy. Unang-una, ang sabi meron na pero talagang ganyan eh no. Mayroong meron, mayroong iba na wala pa rin,” pahayag ni Vargas sa panayam ng dzBB nitong Linggo, Setyembre 17.
Sinabi ni Vargas na ilang sangay ng Land Bank of the Philippines ang hindi naglalabas ng cash card para sa fuel subsidy dahil sa election spending ban umano para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Nais umano nilang linawin ang naturang isyu sa pagdulog sa tanggapan nina Bautista at Guadiz. (Dolly Cabreza)
The post Fuel subsidy naipit sa election spending ban first appeared on Abante Tonite.
0 Comments