Mga Chinese militia nambu-bully sa Ayungin Shoal – PCG

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na sangkot ang mga Chinese militia vessel sa tangkang pagharang sa resupply ship ng pamahalaan sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal.

Ito’y sa kabila ng naging matagumpay na routine rotation at resupply mission ng pamahalaan na isinagawa noong Biyernes bagama’t may mga naranasang harassment mula sa China Coast Guard at mga Chinese militia vessel.

Dati aniya ay hindi pa lantaran ang partisipasyon ng mga Chinese militia vessel sa pambu-bully sa mga sasakyang pandagat ng PCG.

“But for this particular resupply mission, it has been very clear that the Chinese maritime militia are performing active role to block the resupply mission,” pahayag ni PCG spokesperson for West Philippines Sea at Commodore Jay Tarriela sa isang news forum sa Quezon City nitong Sabado, Setyembre 9.

Subalit sa kabila umano ng pangha-harass ng mga barko ng China ay nagpatuloy at nakarating ang resupply mission sa BRP Sierra Madre. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Mga Chinese militia nambu-bully sa Ayungin Shoal – PCG first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments