Nawawalang matandang binata natagpuang bangkay

Bangkay na nang natagpuan ang isang 56-anyos na binata na sinasabing may diperensya sa pag-iisip na nakalutang sa ilog matapos itong iniulat na nawawala ng dalawang araw sa Trece Martires City, Cavite Huwebes ng hapon.

Tinatayang may ilang araw nang patay nang natagpuan ang biktima na si Naptali Bombase y Garcillano, ng Blk 29 lot 15, West Plain Subdivision, Brgy San Agustin, Trece Martires City.

Ayon sa pamangkin na si Angeline Magallon y Baquiran, Martes pa umano nila pinaghahanap ang kanyang tiyuhin na mag-isang naninirahan sa kanyang bahay at may diperensya sa pag-iisip.

Pero natapos ang kanilang halos dalawang araw na paghahanap nang matagpuan nila ang katawan nito na nakalutang sa ilog na sakop ng Brgy San Agustin, dakong alas-12:10 kamakalawa ng hapon. .

Inaalam pa ng pulisya kung nalunod ang biktima sa nasabing lugar. (Gene Adsuara)

The post Nawawalang matandang binata natagpuang bangkay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments