Plano ng gobyerno na magpatupad ng fishing ban sa ilang bahagi ng bansa upang malutas ang problema sa overfishing o sobrang pangingisda.
Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang panayam sa kanya sa Zamboanga City nitong Martes matapos matanong sa mga plano nito sa sektor ng pamalakaya.
Sinabi ng Presidente na ang planong fishing ban ay upang hindi maubusan ng isda at manatili ang sapat na supply sa mga darating na araw.
“Kung minsan kailangan ‘wag uubusin ‘yung isda para sa next season mayroon pa. Kaya ‘yun ang tinitingnan natin ngayon,” anang Pangulo.
Bahagi aniya ng adhikain ng kanyang gobyerno ay masiguro ang food security kaya hindi lamang supply ng bigas at mais ang dapat na tutukan kundi pati na rin ang fishery at livestock sector.
Ayon sa Pangulo, may mga bahagi ng karagatan na hindi dapat pangisdaan dahil ito ay nagsislbing itlugan o breeding grounds ng mga isda.
Bumababa na aniya ang antas ng mga nahuhuling isda dahil sa nasisirang bahagi ng karagatan kaya mahalagang maprotektahan ito upang magpatuloy ang pagpaparami sa mga isda.
“May mga lugar na hindi dapat gawin palaisdan dahil ito nga ay parang breeding, para dumami ang population ng mga isda. Kaya ‘yun ang pinaplano,” paliwanag ng Pangulo. (Aileen Taliping)
The post PBBM inumang fishing ban first appeared on Abante Tonite.
0 Comments