Stefano Tonut, Italians sulong sa quarterfinals 

Naligtasan ng Italy ang win-or-go-home game sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi, sinipa ang Puerto Rico sa bisa ng 73-57 panalo sa FIBA World Cup 2023 second round.

Abante sa quarterfinals ang Italians samantalang exit na ang Puerto Ricans.

No. 1 sa Group I ang Italy kapag tinalo ng Serbia at Dominican Republic sa isa pang laro.

Namuno ang tig-15 points nina Stefano Tonut at Giampaolo Ricci sa winning team, humugot pa ng 12 points, 12 rebounds kay Simone Fontecchio.

Sa MOA Arena, start-to-finish na nasa unahan ang Montenegro bago sinalag ang Greece 73-69 sa likod ng 19 points, 7 rebounds ni Nikola Vucevic at 12 ni Dino Randoncic.

Kaya lang, exit na ang Montenegrins (3-2), gayundin ang Greeks (2-3).

Nagmamadali nang umuwi ang Giannis Antetokounmpo-less Greeks, check out na sa kumpetisyon at naka-iskedyul na ang check in sa flight pabalik sa kanilang bansa Linggo ng gabi rin.

Sa Okinawa, sa bisa ng balanseng scoring ay winallop ng Australia ang Georgia 100-84.

Anim na Australians ang nagsumite ng 10 pataas sa pangunguna ng 19 ni Patty Mills at 18 ni Dante Exum.

Pareho nang out ang dalawa, tinapos ng Boomers ang group play sa 3-2, tengga sa 2-3 ang Georgia. (Vladi Eduarte)

The post Stefano Tonut, Italians sulong sa quarterfinals  first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments