Bianca Pagdanganan sampa ng 56 baitang sa 3rd round

Sinalpak ni 2020+1 Tokyo Olympian Bianca Isabel Pagdanganan ang limang birdie, may gayung dami ring bogey upang maisalba ang 72 pero tumaas ng 56 na baitang pagkaraan ng third at penultime round ng $1.5M Portland Classic sa Columbia Edgewater Country Club sa Portlnd, Oregon nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Kasama ang 67 at 73 sa unang dalawang round, may 212 ang Pinay na kinakalinga ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) para humanay sa pang-62 puwesto.

Galing siya sa ika-118 sa halfway mark kung saan sumablay sa cut ang kakuwadrang si Dottie Ardina na isa pa sa pambato ng bansa.

Katabla sa ika-16 ang kasamahan din nila ni Ardina sa ICTSI na si Yuka Saso ng Japan na may 70-205, pitong palo sa lider na si Megan Khang ng host country na may 198 tapos ng 66.

Ang torneo ang ika-22 yugto sa taong ito ng Ladies Professional olf Association Tour. (Ramil Cruz)

The post Bianca Pagdanganan sampa ng 56 baitang sa 3rd round first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments