Dalaga binoga ng stepdad

Ginagamot ngayon sa ospital ang isang 23-anyos na dalaga matapos itong barilin ng kanyang stepdaughter na kinasuhan niya ng pangmamanyak sa Maragondon, Cavite noong Sabado.

Sa ulat, patuloy na inoobserbahan ang biktimang si Reabel De Ocampo y Barnedo, ng Barangay Garita B, Maragondon, Cavite dahil sa tinamong sugat sa katawan mula sa tama ng bala ng baril ng suspek na si Alberto Roben Havier, nasa hustong gilang at taga-Barangay Mabacao ng nasabi ring bayan.

Lumitaw sa imbestigasyon na pinuntahan ng suspek ang biktima sa bahay nito para kausapin ito sa kanilang alitan bandang alas 12:30 nang tanghali noong Sabado.

Nag-ugat ang alitan ng dalawa nang kasuhan ng biktima ng Acts of Lasciviousness ang suspek. Gayunman, humantong sa mainit na pagtatalo ang dalawa hanggang barilin ng suspek ang biktima.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit habang dinala ng kanyang mga kapitbahay ang biktima sa ospital.(Gene Adsuara)

The post Dalaga binoga ng stepdad first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments