Mga solo parent tumanggap ng ayuda

Namahagi ng financial assistance ang pamahalaang lokal ng Navotas para sa ikaapat na batch ng kuwalipikadong solo parents, kaugnay sa “Saya All, Angat All” program.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, 220 ang tumanggap ng tig- P2,000 cash subsidy at mga newly-applied o renewal ng mga solo parents identification card.

‘Solo parents face many challenges in raising their children on their own. We want to ensure that they will have a means to provide for their families especially during trying times,’ ani nito.

Sinimulang ipatupad ang Saya All, Angat All Tulong Pinansyal para sa mga Solo Parents sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19.

Bukod sa cash aid, may P1,00 educational assistance din ang mga solo parent kada-school year para sa kanilang mga anak na nag-aaral.

Isa sa mga may-akda ng House Bill 8097 si Mayor Tiangco sa 18th Congress na version ng Senate Bill 1411 kung saan ay pinagsama ito sa pagpasa ng Republic Act 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act.

Ayon kay Tiangco ang lungsod ang kabalikat ng pagpapairal ng nasabing batas sa pamamagitan ng Gender and Development Fund. (Orly Barcala)

The post Mga solo parent tumanggap ng ayuda first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments