Donny olat kay Daniel

Tulad ng ibang edisyon ng All Star Magic Games, inabangan din ng mga Cebuano ang Star Magic Shooting Stars na ginanap sa Toledo Megadome sa Cebu City kamakailan.

Sa nasabing basketball game, nagpakitang-gilas kapuwa ang red at blue teams.

Nag-cheer ang kafaneyan sa kanilang mga iniidolong stars in their jerseys.

Lamang lang ng isang puntos ang red team na kinabibilangan nina Daniel Padilla, Seth Fedelin, Zanjoe Marudo at iba pa sa blue team na kasama sina Donny Pangilinan, Jeremiah Lisbo at iba pang Star Magic artists.

Sa final score, nagwagi ang red team sa tally na 77 against 76 ng blue team.

Hinangaan naman ang sportsmanship ng dalawang team sa kanilang naging laro.

The post Donny olat kay Daniel first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments