Pia binalaan sa dating glam team ni Heart

Rumampa ang 2015 Ms. Universe Pia Wurtbach sa kanyang latest Mark Bumgarner creation. Makikita ito sa kanyang Instagram post.

Marami naman ang bumilib sa pagiging pabolosa ng dating beauty queen.

Hirit pa ng iba, lume-level na raw talaga si Pia kay Heart Evangelista sa pagiging fashionista.

Isa namang nagmamahaderang netizen ang nagbabala kay Mrs. Jauncey tungkol sa glam team na karay niya ngayon.

Napabalita kasi noong lumipat na sa poder ni Pia ang nasabing team na dating nag-i-style kay Heart.

Nag-react naman ang ilang followers ni Pia sa diumano’y pang-iintriga ng nasabing basher.

Nakisalo rin sa diskusyon ang ilang netizens kaya nabuhay na naman ang diumanoý isyu sa glam teams nina Heart at Pia.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“stop the negativity”

“intrigerang palaka!”

“bago ka magsabe na kung anu ano dyan dapat may evidence ka/kayo para kapani paniwala.”

“we Don’t know what happened so we can’t judge Jecca and Justin.” (Archie Liao)

The post Pia binalaan sa dating glam team ni Heart first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments