Sabungero niratrat ng tandem

Dedbol ang isang sabungero matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang pauwi galing ng sabungan sa Barangay Bantaoay, San Vicente, Ilocos Sur noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng San Vicente Police Station (SVPS) ang biktima na si Waren Cubangbang, ng Barangay San Sebastian, ng nasabing bayan.

Ayon sa SVPS, naganap ang pamamaril alas-10:41 ng gabi sa Barangay Bantaoay.

Nabatid sa pulisya na papauwi na ang biktima galing umano sa San Vicente Cockpit Arena gamit ang kanyang Yamaha Soul-1 125 na may kasamang back ride.

Lingid sa kanilang kaalaman, binuntuntan sila ng dalawang `di pa nakikilalang lalaki na nakamotorsiklo.

Sinabi ng mga otoridad, nag-overtake ang mga suspek, at nang matapatan ay walang sabi-sabing pinagbabaril si Cubangbang na agad nitong ikinamatay. Agad namang nakatakbo ang angkas nito.

Nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga suspek at inaalam ang kanilang motibo.

(Allan Bergonia)

The post Sabungero niratrat ng tandem first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments