4 `salising’ bebot, target credit card ng mga senior

Swak sa piitan ang apat na babaeng miyembro umano ng `Salisi Gang’ na puntirya’y mga matatanda matapos bumili ng cellphone gamit ang nakaw na credit card sa isang mall sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District Anonas Police Station (PS 9) chief, P/ Lt. Col. Ferdinand Casiano ang nadakip na sina Sabel Acuna, Wheng Ramos, Ainie Rabe, at Arvilyn Mamaran. Nakatakas naman ang dalawa pa nilang kasabwat.

Una dito, nagreklamo ang biktimang senior citizen matapos mawala ang credit card nito sa bag habang kumakain sa isang restaurant. Kasunod noon ay nakatanggap siya ng abiso mula sa bangko kaugnay sa biniling cellphone sa halagang P84,990 gamit ang kanyang credit card.

Nagpasaklolo ang biktima sa pulisya at nang siyasatin ang CCTV ay nakilala ang sumalising mga suspek.

(Dolly Cabreza)

The post 4 `salising’ bebot, target credit card ng mga senior first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments