Gumimik na kelot, ulo pinasabog

Isang lalaki ang nasawi matapos barilin sa ulo ng hindi nakilalang salarin sa Barangay Nasalaan, San Francisco, Quezon, Lunes ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang si Leo Emprese Merilo, 55, dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo.

Ayon sa report, alas-3:00 ng madaling araw, galing sa isang kasayahan ng biktima at papauwi na ito sa bahay nang harangin ng gunman at pagbabarilin saka mabilis na tumakas.

Patay na nang datnan ng mga sumaklolong kaanak ang biktima.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pangyayri at inaalam ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng salarin.

(Ronilo Dagos)

The post Gumimik na kelot, ulo pinasabog first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments