Andrea may ‘babala’ kay Ricci

Andrea may ‘babala’ kay RicciSa ibinigay na pahayag ni Ricci Rivero, nilinaw niya na hindi third party ang dyowang si Leren Mae Bautista sa hiwalayan nila ni Andrea Brillantes.

Aniya, ilang beses na raw silang nag-break ng ex early this year at naging magulo talaga ang kanilang relasyon.

Hirit pa niya, nakikipagbalikan daw sa kanya ang Kapamilya actress noong Mayo pero siya na raw ang gumawa ng paraan para umalis sa relasyon.

Sa latest post naman sa kanyang IG stories, nagbahagi rin siya ng makahulugang cryptic post ng linya sa isang kanta na:

“I can make your life a living hell if I wanted to”.

Opinyon at pagkokonek ng mga netizen, resbak umano ang babalang iyon ni Andrea sa kanyang former boyfriend.

(Archie Liao)

The post Andrea may ‘babala’ kay Ricci first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments