Enrique dedma sa ‘lalaki’ ni Liza

Sa kanyang Instagram, klinaro ni Liza Soberano na hindi niya kilala ang lalakeng kaangkla niya sa motor na nag-viral sa series of photo na kumalat sa social media.

Aniya, ang nasabing lalake raw ay isang driver na nagtatrabaho sa isang motorcycle rental company.

Nilinaw niya ito pagkatapos na maurot ng mga netizen kung sino ang kasama nito sa kanyang bakasyon sa Italy.

Dagdag pa niya, hindi raw kasi siya makapag-drive ng motorsiklo dahil wala siyang lisensya.

Isa pa rin daw dahilan kung bakit hindi siya makapag-drive ay dahil meron siyang post-traumatic stress disorder (PTSD) na dala ng aksidente niya sa motor sa Palawan noong nakaraang taon.

“Before people jump into conclusions, he’s from the rental company. I couldn’t drive myself cause I had no license.
But also ptsd from my accident last year,” aniya.

Pinusuan naman ni Enrique Gil ang kanyang post.

Hirit tuloy ng kibitzers, suportado raw ng aktor ang mga ganap ni Liza.

May mga kibitzers ding nagsasabing taliwas sa espekulasyon ay very much in a a relationship pa ang dalawa.

Ito naman ang ilan sa kanilang mga komento.

“So, di totoo ang tsismis na hiwalay na sila.”

“Wow naman.Very supportive ni Quen.Pinusuan ang post ni Liza.”

“Di nag-jelling si Enrique?”

“Defensive si ghurl.So, sila pa rin ni Quen.”

“Ang brave naman ni girl.”

“Dedma lang si Quen sa lalake dahil secure siya kay Liza.”

(Archie Liao)

The post Enrique dedma sa ‘lalaki’ ni Liza first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments