Andrea gumanti kay Kathryn

Abangers ang mga Marisol sa latest pauso na following at unfollowing ng celebrities sa social media.
Ito na kasi ang naging batayan ng mga netizen kung may away o di pagkakaunawaan ang isang showbiz personality sa isa pang celebrity.

Pagkatapos na i-unfollow ni Kathryn Bernardo si Andrea Brillantes sa Instagram, tinantanan na rin ng huli ang una sa pagsubaybay sa socmed account nito.
Hirit tuloy ng mga nagmamaldita, palaban daw si Blythe kay Kath kaya ginantihan niya ito.

Lalo namang umuugong ang tsikang si Andrea diumano ang third party sa hiwalayan ng KathaNiel.

Pansin naman ng mga nagmamahadera, di raw bet ni Daniel na ilaglag si Andrea kaya pina-follow pa nito ang huli sa Instagram.
Ito naman ang mga reaksyon ng mga kate-katera at sawsawera sa love triangle diumano nina Daniel, Kathryn at Andrea.
”Gumanti si Teh.Hahaha!”
”Bakit? Si Kath lang ba ang may K na mag-unfollow? “
”Palaban si ghurl.”
”Bakit tahimik lang si Daniel?Pina-follow pa rin niya si Andrea. So, di niya bet ilaglag si ghurl.”
”Lumalaki na ‘yung usok.”

“Bakit hindi pa nagsasalita si DJ???đŸ™„đŸ™„

Baka totoo talaga yung chismis noh. Na wala na rin sila. Hmmm! Baka yung mga fan nlang talaga cguro ang mga ngpupush. Sorry dont bash me. Tingin ko lng din naman.

“Kathryn unfollowing andrea confirms na mayroong nangyari di natin sure kung ano but meron talaga”

“She should clear her name since mas negative ang impact ng issue sa kanyang pangalan”

“Followed pa rin ni Daniel si Andrea”

“Iyan ang tinatawag na sabunutan sa social media.”

(Archie Liao)

The post Andrea gumanti kay Kathryn first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments