Liza huling kumendeng sa bar

Matapos magpakitang-gilas ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa isang bar ilang buwan na ang nakararaan, si Liza Soberano naman ang sumulpot dito na ikinaloka ng mga beki.

Niyanig ni Liza ang mga nasorpresang mga costumer na beki sa presensya nito. Nakipag-showdown siya sa isang impersonator na lumapit sa kanya.

Ibinalandra ng isang @jerstrucked sa X ang short video .Makikita na nagpi-perform ang isang gay impersonator sa harap mismo ni Liza at ng iba nitong mga kasama.

Sumisigaw ang mga tao ng “Liza! Liza! Liza””, kaya naman biglang umeksena si Liza at nag-solo ng kanyang sayaw na animo’y isang burlesque dancer.

Matapos nito, sabay na nag-showdown sina Liza at impersonator sa parehong choreo na lalong ikinaaliw ng mga nanonood.
Aliw na aliw at tawa nang tawa si Liza sa kanyang short performance, dahil napagbigyan niya ang kanyang ang mga fan.

Siyempre, hindi makapaniwala ang nag-upload ng video sa kagandahan ni Liza lalo’t simple lang ang ayos nito. Nakabanat ang buhok at light make-up.

Aniya, “Grabe sa ganda yung @lizasoberano!!!”.

Siguradong maraming beki ang naging lalake sa paghanga ni Liza, at marami rin naman ang nag-ilusyon na maging kasing ganda sila ng aktres.

The post Liza huling kumendeng sa bar first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments