Negosyanteng Chinese kinidnap ng 6 kababayan

Nagpasaklolo sa pulisya ang isang lalaking Chinese makaraang dukutin umano siya ng anim ding Chinese at iniwan sa isang lugar sa Ternate, Cavite, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Wen Non Su, 36, tubong Fujian China, may-ari РChief Cook ng AQ Kitchen sa Ayala Malls Manila Bay, Diosdado Macapagal Blvd, Para̱aque City at residente ng Lancaster Townhomes, Pasay City.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa anim na umano’y pawang mga Chinese national na sakay ng van.

Ayon sa biktima, pauwi siya sa kanilang bahay sa Pasay City alas-9:00 kamakalawa ng gabi noong Biyernes nang umano’y dukutin siya ng anim na di kilalang mga Chinese national sakay ng puting Toyota Grandia.

Puwersahan umano siyang isinakay sa van, piniringan, ginapos ang mga kamay at ibiniyahe hanggang sa ibaba ito sa Sitio Palay-palay, Brgy Sapang 1, Ternate, Cavite.

Sinabi naman ni Police Capt Joseph Catapang, DCOP, na ang nasabing insidente ay nai-report na sa Pasay City Police Station.

Ang biktima ay nakatakdang i-turn over sa Anti-Kidnapping Group. (Gene Adsuara)

The post Negosyanteng Chinese kinidnap ng 6 kababayan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments