LNG walang record ng pinsala sa ecosystem 

Pinabulaanan ng mga lokal na opisyal sa lalawigan ng Batangas ang pahayag ng isang non-government organization (NGO) tungkol sa umano’y negatibong epekto sa kapaligiran ng Ilijan Natural Gas Plant.

Ayon sa Batangas LGU, ang liquefied natural gas (LNG) ay walang rekord ng mga paglabag sa kapaligiran o pinsala sa lokal na ecosystem at marine biodiversity, sa mahigit 20 taon nitong operasyon.

Ito ay matapos na magpasa ng unanimous resolution ang Sangguniang Panlungsod ng Batangas na nagsasaad na ang mga alegasyon ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) na sumasalungat sa mga proyekto ng liquefied natural LNG sa lugar, ay walang basehan.

Ang CEED ay aktibong nangampanya laban sa San Miguel Global Power ((SMGP), na nagmamay-ari ng planta ng Ilijan noong Hulyo 2022, at ang pagpapalawak nito sa pasilidad.

Ang planta ng Ilijan, na itinayo at pinatatakbo ng power firm na Kepco sa loob ng higit sa 20 taon, ang nagbibigay ng kuryente sa rehiyon.

Binigyang-diin ng mga lokal na pinuno na ang mga operasyon ng Ilijan ng SMGP ay patuloy na sumusunod sa mga regulasyong pangkalikasan habang malaki ang naitutulong sa lokal na ekonomiya.

“Beyond power generation, these facilities – both brownfield and greenfield – have been instrumental in boosting the local economy, creating job opportunities and enhancing the quality of life in Batangas City,” nakasaad sa resolution.

Bilang bahagi ng Philippines’ Power Development Plan ng gobyerno, kasalukuyang pinalalawak ng SMGP ang kapasidad ng power facility sa Batangas, upang matugunan ang tumataas na pangangailangan ng bansa para sa maaasahan at abot-kayang kuryente.

Ang LNG ay isang bahagi ng SMGP’s thrust ng diversified energy portfolio, na kinabibilangan din ng mga renewable source at battery energy storage system (BESS).

Pinuna ng mga lokal na opisyal ang CEED dahil samapanlinlang na paglalarawan nito sa SMGP at sa proyekto ng LNG online at sa social media, at hindi makatotohanang nagsusulong para sa agarang paglipat sa 100% renewable energy.

“This approach fails to consider the potential impacts on employment, businesses, energy security, and the country’s technological and infrastructure readiness,” pahayag ni Councilor Armando Lazarte, chairman ng Batangas City Committee on Environment, Urban Development, Land Use and Zoning.

Iginiit ng resolusyon na ang LNG ay kinikilala sa buong mundo dahil sa mahusay at eco-friendly na alternatibo sa tradisyonal na mga gasolina.

Kabilang sa mga bansang may pinakamalaking gumagamit ng LNG sa Asya ay ang China, Japan, South Korea, India, at Taiwan; Germany, Italy, France, Netherlands, Spain, Poland, Belgium, Europe, at United States of America.

Dagdag pa niya, hindi dapat tingnan ang LNG bilang problema dahil ito ay kasabay ng lumalaking renewable capacity na binuo ng San Miguel at iba pang power companies.

Sent from Yahoo Mail for iPhone

The post LNG walang record ng pinsala sa ecosystem  first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments