AFP chief kinompronta Chinese ambassador sa West PH Sea

Nag-usap na sina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Romeo Brawner Jr. at Chinese Ambassador Huang Xilian tungkol sa resupply mission sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Brawner, iginiit niya sa Chinese ambassador na pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas ang naturang bahagi ng karagatan kaya hindi dapat harangin ng China ang mga resupply ship ng bansa.

Dala ng mga barkong ito ang mga pagkain at regalo para sa mga sundalo at mga nakatira sa mga komunidad sa WPS.

Subalit pilit umanong pinaninindigan ng Chinese ambassador na teritoryo ito ng kanilang bansa.

Ang pag-uusap ng dalawang opisyal ay kasunod ng pambobomba muli ng tubig ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ng resupply mission sa mga tropa ng pamahalaan sa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal.

(Natalia Antonio)

The post AFP chief kinompronta Chinese ambassador sa West PH Sea first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments