Balik-Traslacion pinaplantsa na

Pinaplantsa na ng Manila Police District (MPD) ang preparasyon para sa 2024 Traslacion ng Poon ng Itim na Nazareno.

Nabatid na nagsagawa kahapon ng umaga ng “walkthrough” ang mga kinatawan ng Quiapo Church, pulis, at mga kinatawan ng iba’t ibang government agency sa mga daraanang ruta ng Itim na Nazareno.

Nagsimula ang walkthrough sa Quirino Grandstand at nagtapos sa Simbahan ng Quiapo.

Isinagawa ito para matiyak ang kaligtasan ng mga deboto na inaasahang lalahok sa Traslacion sa Enero 9 Kapistahan ng Black Nazarene.

Magugunitang tatlong taon na nahinto ang Traslacion dahil sa COVID-19 pandemic.

Noong 2021 nagkaroon lamang ng “Pagtanaw” sa imahe ng Itim na Nazareno, habang noong 2022 ay walang traslacion at nagkaroon lamang ng online mass. Nitong 2023 ay nagkaroon lamang ng pagpupugay sa halip na pahalik.

Sa darating na 2024, ibabalik ang pagdaraos ng Traslacion na unang nakaugalian tuwing pista ng Black Nazarene. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Balik-Traslacion pinaplantsa na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments