Sumemplang na rider, nasagasaan ng bus

Dedo ang isang motorcycle rider matapos sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo at masagasaan ng kasalubong na pampasaherong bus sa Barangay Poblacion, Sto. Domingo, Ilocos Sur noong Huwebes.

Kinilala ng Sto. Domingo Police Station (SDPS) ang namatay na rider na si Eduardo Taan Jr., 34, ng nasabing bayan.

Sa report, ayon sa SDPS, sa kuha ng CCTV, kasalukuyang tinatahak ng biktima ang kalsada ng Barangay Poblacion nang matumba si Taan Jr. matapos nitong masagasaan ang lalaking tumatawid.

Tiyempong may kasalubong na bus at nasagasaan ang kanyang ulo.

Samantala, under observation sa ospital ang nabundol ni Taan Jr. na isang 69-anyos na lolo.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang bus driver habang humihingi naman ng tulong ang mga kaanak ng rider. (Allan Bergonia)

The post Sumemplang na rider, nasagasaan ng bus first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments