Gawing SMART ang New Year’s Reso

Nakapaglista ka na ba ng New Year’s Resolutions mo?

Kahit taun-taon din naman nating hindi natutupad ang karamihan dito, sure akong naglilista ka pa rin ng mga bagay na gusto mong ma-achieve o mabago sa pagsalubong ng bagong taon.

Gaya ng natutunan natin sa mga asignatura sa paaralan – kung gagawa ng plano, isaalang-alang ang pagiging SMART – Specific, Measurable, Attainable, Realistic and Time-bound.

Una sa lahat, dapat specific o tiyak ang gusto mong makuha o maabot para sa darating na taon.

Magplano nang naaayon sa kakayahan.

Hindi masamang maging ambitious o maghangad ng bagay na mahirap abutin. Pero sa totoo lang, doon tayo sa realistic – ‘yong alam nating kaya nating gawin at matupad.

Kung gusto mong magpapayat, halimbawa – huwag biglain ang sarili. Unti-unti, dahan-dahan hanggang sa maabot ang desired weight. Ang importante, consistency. Regular na mag-ehersisyo at sabayan ito ng proper diet para ma-achieve ang fitness goals this 2024.

Isa pa sa hindi nawawala sa listahan ng New Year’s Resolutions ang pagiging punctual o pagtupad sa oras ng usapan. Ang laging dahilan, nakaugalian na ang Filipino time kaya atrasado tayo sa lahat. Bagay na kailangan nating baguhin.

Kung alam mong may maaga kang appointment kinabukasan, agahan ang tulog para sure na maaga ka ring magigising. Matutong rumespeto sa oras ng ibang tao.

Palagay ko, isa pa sa plano mo ngayong taon – ang mag-save! Pero paano tayo makakaipon nang pera kung panay rin tayo gastos? Matutong magtipid para sure na may madudukot in times of emergency.

Marami rin ang nagpaplanong gumala at mamasyal sa ibang bansa. Bago mangarap na lumipad sa ibayong dagat, i-explore muna ang mga ipinagmamalaki ng sarili mong bayan. Baka may mga lugar d’yan na ikaw mismo hindi mo pa nararating.

Sure ako na marami rin ang naglilista na iiwasan na ang yosi at alak. Sa totoo lang, hindi biro na bigla na lang ‘yang talikuran lalo na kung nakasabayan na. Ang dapat gawin, unti-unting bawasan ang konsumo hanggang sa tuluyan itong talikuran.

Sana’y nakatulong ang mga simpleng practical tips na ito sa paglilista ng inyong New Year’s resolution. Ang importante, hindi ‘yan maging pangako na lagi na lang napapako. Happy and Blessed New Year sa lahat!

The post Gawing SMART ang New Year’s Reso first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments