Joshua David ilalagare Archers

Asinta ni Joshua David at ng De La Salle University ang pang-apat na panalo sa siyam na pagsabak sa UAAP men’s basketball finals knockout game.

Makakatuos ng Green Archers ang University of the Philippines ngayon (Miyerkoles) sa Big Dome simula sa alas-6:00 ng gabi

Kalakip sa misyon ng player at tropa na semis second seed na makabawi sa huling olats sa gayang laro sa championship nang kahigin ng Ateneo de Manila University noong 2017.

Isa si David sa bench players ng Taft-based squad na kumayod sa Game 2 nang maka-12 points para panain ang Fighting Maroons, 82-60, at hilain ang winner-take all. Wagi ang mga basketbolista ng Diliman sa Game 1 (97-67).

“Siguro yung first game, feel ko hindi yun yung laro namin eh pero yung past few days na bago yung game na to, sobrang hirap talaga kami sa training,” sey ni David na 4-of-6 sa three-point shooting. “Kung ano ginawa ng UP, yun yung ginawa namin sa training. Pinaghirapan namin training. Nag-aaway-away nga kami para lang lumaban sa training talaga.”

(Gerard Arce)

The post Joshua David ilalagare Archers first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments