Korte sinilaban; judge, 10 pa nadale

Ni Nancy Carvajal

Nasugatan ang labing-isa katao kabilang ang isang hukom nang silaban umano ng isang court officer ang courtroom, habang nagsasagawa ng paglilitis noong Martes ng tanghali sa lalawigan ng Cebu, ayon sa isang source.

“Initial investigation report stated that the fire was caused by a court staff, who later on supposedly committed suicide,” saad ng isang insider.

Nabatid na kabilang sa mga nasaktan sa sunog ay ang presiding judge ng Minglanilla Municipal Trial Court, isang abogado at ilang mga opisyal ng korte, na pawang isinugod sa pagamutan.

Wala pang kumpirmasyon kung ano ang nag-udyok sa nabanggit na court staff para sunugin ang korte matapos umano nitong ikandado ang pinto ng korte mula sa loob.

Kumalat ang apoy sa kabilang bahagi ng gusali at nasunog ang ilang opisina ng gobyerno sa nabanggit na two-storey building.

The post Korte sinilaban; judge, 10 pa nadale first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments