Angelica burger house ang reception ng kasal

Binuksan ni Angelica Panganiban ang taong 2024 na isa na siyang Mrs. ni Gregg Homan.

Yes, ikinasal na ang aktres sa kanyang fiancé na si Gregg Homan noong Dec. 31, 2023 sa California, USA at inanunsyo niya ito mismo sa kanyang Instgram page sa pagsisimula ng taon kahapon, January 1, 2024.

Ibinahagi ni Angelica ang mga larawan na kuha mula sa kasal kabilang na ang ceremony kisses, ang paglalakad niya sa altar at ang suot nilang wedding rings. Makikita rin ang kanilang 1-year-old daughter na si Amila Sabine or baby Bean na naging saksi rin sa kanilang kasal.

“Patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig. Sa kabila ng lahat. Ang pagmamahal pa rin ang kakapitan.

“Maligayang bagong taon – Mrs Angelica Panganiban Homan,” ang caption ni Angelica.

This explained kung bakit nagpunta rin ang mga kaibigan niyang sina Bela Padilla at Kim Chiu sa US at ito ay para saksihan pala ang kanyang kasal.

Ang ganda-ganda ni Angelica sa kanyang simple pero eleganteng bridal gown. Halatang very private ang kasal bilang hindi na nga nila ito pinag-ingay at ginawang karnabal.

May nakita rin kaming larawan ng simpleng reception nila held at In-N-Out Burger house.

Congratulations Mr. & Mrs. Homan!

The post Angelica burger house ang reception ng kasal first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments