Dakilang Pista ng Ina ng Diyos

Ginugunita ng Simbahan sa unang araw ng Bagong Taon ang Dakilang Pista ng Ina ng Diyos.

Taong 431 nang ibigayng Konseho ng Efeso ang nasabing titulo ni Maria nang iproklama nito ang Dogma ng ‘Teotokos’ o kanyang pagiging Ina ng Diyos.

Turo ng Simbahan, kung kinikilala ang Mahal na Birhen bilang Ina ng Hesus na nagkatawang-tao, tunay rin Siyang Ina ng Diyos dahil sa pamamagitan ni Maria nagkaroon HesuKristo ng katawang tao at naging miyembro ng sangkatauhan.

Ani Bishop Teodoro Bacani, “Because Mary is the mother of the Son of God in his humanity, we rightly call her the Mother of God. And when we call Mary Mother of God, we mean that she conceived and gave birth to the Son of God in his humanity.”

Lumipas na naman ang isa pang taon. Isang pagkakataon sa atin ang pagsalubong sa Bagong Taon na ito upang pagnilayan ang ating kasalukuyang sitwasyon, ang dahilan kung bakit patuloy tayong bumabangon at ang ating hinaharap na kinabukasan.

Maraming nangyari sa nakaraang taon. Marahil ilan sa ating mga mahal sa buhay ay pumanaw at tayo’y nilisan. Para sa ilan alam nila na nabibilang na ang kanilang panahon sa mundong ibabaw; marahil ilan sa ating kaibigan o kakilala ay basta nalang nawala.

Ang mga buwan at araw at araw na lumipas ay hindi na babalik kailan pa man. Para sa mga mas bata isang oportunidad ang Bagong Taon sa pag-usad; sa mga nasa kalagitnaan ng paglalakbay isang taon na naman ng tagumpay; sa mga may-edad isang hakbang papalapit sa hukay.

Lahat tayo ay may dahilan ngayong Bagong Taon upang magpasalamat sa Diyos sa bagong yugto ng buhay, higit sa lahat sa pahintulot ng Poon na manatili pa tayo. Nawa naging leksiyon sa atin anumang kabiguang hinarap natin sa nakalipas na taon nang may bukas na puso sa pagpapatawad.

Batid natin na minsan, isang di inaasahang pagpapala ng Diyos ang mga negatibong pangyayari sa ating buhay. Madalas tinuturuan tayo ng Panginoon na magpapakumbaba at magtiwala sa di suguradong kalagayan sa pamamagitan ng pagsuko ng sarili sa mga bagay na higit sa ating kontrol.

Paalala ng Simbahan sa gabi ng pagsulubong sa nagsisimulang taon, “we celebrate another chapter in our lives. We acknowledge with gratitude the contless blessings that the Lord gave us. We look back at the past and express sorrow for all the mess we have gotten into. We gather strength to face new challenges, believing in the God who continues to place his confidence in us.”

Diin pa ng Simbahan, “gratitude creates happiness. Who does not what to be happy? For gratitude equips us with a good dose of endurance. A grateful person is better prepared to face the harsh realties of life because of an open heart for the things to come.”

Nagpapasalamat tayo sa Poon sa lahat ng biyayang ipinagkaloob Niya nitong nakaraang taon— hindi lamang sa mga mabubuting bagay kundi pati na rin sa mga pinagdaanang pagsubok na humubog sa atin upang maging mas matatag at matapang sa mga darating na araw.

Ngayong 2024 muli tayong dumudulog sa Diyos para sa Kanyang gabay at biyaya. Payo ng Simbahan, “when we take God’s work seriously we cannot expect to do it without his blessing. Whenever we do ask for God’s blessing we do so with the disposition of being ready to do his work rather than our own.”

Nawa maging karapatdapat tayong mga instrumento ng Panginoon upang maitaguyod ang katarungan, pag-ibig, kapayapaan at pagpapatawaran sa mundo ngayong Bagong Taon sa ating mga mahal sa buhay, kakilala at kabigan. Hilingin natin sa Diyos na mabawasan ang ating pagiging mainggitin at maiwasan ang pakakanya-kanya sa bago nating simula.

Sa pagdiriwang ng Pista ni Maria, Ina ng Diyos. Masimulan nawa natin ang taon nang may kaparis na disposisyon kaparis ng Mahal na Birhen na lubos na umasa, nagtiwala at sumunod sa kalooban ng Diyos. Hindi natin batid kung anong kapalaran ang naghihintay sa ngunit katulad ni Maria sisikapin nating maging mapapakumbaba at masunurin sa Kalooban ng Ama sa anumang direksiyon tayo dalhin ng tadhana.

Ngayong Bagong Taon, paanyaya ng Simbahan sa tanan, “Hopefully we try to make this year the best so far. It may be our last. This New Year will be blessed if we are full of hope and trust in the Lord.” Hudyat ng bagong simula sa tanan ang 2024 bukas ang loob sa anumang pangyayari, buo pa rin ang pananalig at pag-asa sa Diyos tiwala na hindi tayo nag-iisa sa paglalakbay.

Santa Maria, Ina ng Diyos. Ipanalangin Mo kami!

The post Dakilang Pista ng Ina ng Diyos first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments