Enforcer na nakabundol ng 2 sa Edsa, tukoy na

Tukoy na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang traffic enforcer na nakasagi sa dalawang commuter matapos pumasok sa busway noong December 31, 2023.

Sinabi ni MMDA chairman Atty. Romando Artes na may suspension order na para sa traffic enforcer at maghahain din sila ng pormal na reklamo.

Sa ngayon ay absent without leave ang traffic enforcer na hindi pa tinukoy ang pagkakakilanlan.

Sa video na ibinahagi nbg Department of Transportation (DoTr), makikitang isang naka-uniform na traffic enforcer ang gumegewang habang pasakay sa nakatumba niyang motorsiklo.

Humingi ng tulong sa naka-duty na coastguard personnel ang nakasaksing driver at kundoktor ng bus.

Ayon sa DoTr, hindi isinuko ng traffic enforcer ang kanyang lisensya sa halip ay nagalit pa ito at sinabing dapat ay tinutulungan siya. (Betchai Julian)

The post Enforcer na nakabundol ng 2 sa Edsa, tukoy na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments