200k purdoy swak sa kuryente discount

Umaabot sa 200,000 pamil¬yang mahihirap ang nagpare¬histro sa Department of Energy (DOE) upang makakuha ng benepisyo sa electricity lifeline rate program ng gobyerno na nagsimula ang full implementation nitong Enero 1.

Kuwalipikado sa programa ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), pati na ang mga pamilya na ang kinikita ay mas mababa sa itinakdang poverty threshold ng Philippine Statistics Authority.

Gayunman, kailangan magparehistro muna ng mga kuwa¬lipikadong benepisyaryo para makakuha ng discount, ayon kay Luningning Baltazar, Director ng Electric Power Industry Management Bureau ng Department of Energy.

Ipinaliwanag pa niya na kaya kaunti pa lamang ang nagpaparehistro sa programa ay dahil sa ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay walang individual meter dahil posibleng maraming pamilya ang nagsisiksikan sa isang bubong. May posibilidad din na hindi nila alam na may ganitong programa ang gobyerno.

“‘Yung iba naman naliliitan sila dun sa threshold, so for example may mga areas sa Visayas nga, na nasa 25 kilowatt-hout (kWh) lang ‘yung threshold and normally maaaring lumalagpas doon ang kanilang kunsumo, so they decided not to register,” paliwanag ni Baltazar.

“But still we encourage them na mag-register pa rin sila dahil pag-aaralan pa rin natin ‘yan kung ano ang nararapat na threshold,” dugtong pa niya.

Sa Metro Manila kung saan sakop sila ng prangkisa ng Meralco, magiging kuwalipikado sa lifeline program ang consumer kung ang buwanan nilang konsumo sa kuryente ay hindi lalagpas sa 100kWh.

“Sa Meralco franchise area po meron tayong tinatawag na iba-ibang level of discount. Kung sila ay makakunsumo ng 20 kWh, almost ma-avail nila ‘yung 100 percent discount, they just need to pay ‘yung tinatawag nating meter fee na P5, around P10 lang halos ang babayaran kasama ‘yung ibang part ng bill gaya ng taxes or subsidies.” wika ni Baltazar.

Iba naman ang komputasyon ng discount sa kuryente sa labas ng Meralco franchise area dahil mas mababa sa 100 kWh ang threshold.

The post 200k purdoy swak sa kuryente discount first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments