Sextortionist laglag sa pulis

Sa wakas, nalaglag na sa kamay ng mga awtoridad ang isang lalaking sextortionist na bumiktima at bumuntis sa ilang menor de edad sa Iloilo City.

Bandang alas-10:30 nang gabi noong Biyernes, nadakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Iloilo City Field Unit ang suspek na si John Fede¬rick Escare, 28-anyos, sa bisa ng
warrant of arrest na inisyu ni Iloilo City Regional Trial Court (RTC) Branch 6 Judge Elijo Sharon Herrera-Bellones dahil sa kasong paglabag sa section 5 ng Republic Act 9262 o Violence against Women and Children Act of 2004.

Ayon sa pulisya, gumagamit ng iba’t ibang Facebook account ang suspek para kaibiganin ang mga babae at saka iimbitahan ang mga ito kapag palagay na ang loob sa kanya.

DInadala umano niya ang mga ito sa motel kung saan naka-video ang kanilang pagtatalik. Ginagamit umano itong pang-blackmail ng suspek para muling makaulit sa mga biktima at tinatakot ang mga ito na ikakalat ang mahalay na video kapag tumanggi ang mga ito.

Ayon kay Patrolman Kay Becida ng CIDG-Iloilo Field Unit, sinimulan nilang i-monitor ang suspek noong nakaraang taon pero napaka¬ingat aniya nito kaya natunugan nito na isa siyang pulis nang tinangka niya itong papasukin sa bitag.

Nagtagumpay ang isa nilang asset na mabitag ito at nakipagsundo rito na magkita noong Biyernes sa isang lugar.

Ilang menor de edad umano ang nabuntis nito pero natatakot na magreklamo dahil sa kanyang banta. Nakadetine ang suspek sa CIDG Iloilo detention cell.

(Edwin Balasa)

The post Sextortionist laglag sa pulis first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments