Stepehen Curry dinaig si Sabrina Ionescu

GA-BUHOK – 3 points lang – na tinalo ni Stephen Curry si Sabrina Ionescu sa 3-point shootout ng 73rd NBA All-Star 2024 Saturday.

Naglista si Curry ng 29 points, 26 si Ionescu sa first-ever contest ng three-point shooting sa pagitan ng lalaki at babae sa liga.

Si Golden State star Curry ang NBA all-time 3-point king. Reyna si Ionescu ng New York Liberty sa WNBA 3-point shootout sa kanilang All-Star Weekend noong July sa record 37 points, binasag ang marka ni Curry sa NBA na 31.

Chinallenge ni Ionescu si Curry sa isa pang shootout, game namang tinanggap ng huli.

“For us to deliver a show like that, it was perfect,” bida ni Curry. “As much excitement as you can build in that short amount of time with two great shooters going at it. This is something we’ll remember for a long time.”

Sundot ni Ionescu: “Hopefully, this isn’t the last time we do this.”

Ang premyo ni Curry: championship belt na may imahe ng kambing (GOATS) sa magkabila.

Shooting GOAT, kumbaga.

Inumpisahan ni Ionescu ang contest na 7 for 7 bago tumapos ng 18/27 tungo sa 26 points. Sa NBA 3-point line din siya tumira, mas malayo ng 12-18 inches kumpara sa WNBA.

Nag-rally sa dulo si Curry, tinapos ang bitaw na 9/10 para manalo. Mas mabigat nang konti ang NBA ball na ginamit ni Curry kumpara sa WNBA ball ni Ionescu.

(Vladi Eduarte)

The post Stepehen Curry dinaig si Sabrina Ionescu first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments