Mabanas na Panahon! 

Bagama’t wala pang opisyal na deklarasyon ng ‘dry spell’ dama na ang init sa maraming lugar sabansa, lalo na sa Metro Manila.

Bagama’t ang Luzon at ang Kabisayaan ay apektado na ng banta ng ‘severe El Niño,’ ilangbahagi naman ng Mindanao, partikular ang rehiyonng Davao ay sinalanta ng malakas na buhos ng ulan, bagay na nagresulta sa pagguho ng lupapartikular sa Davao De Oro.

May mga buhay ng nakitil at marami ang mga nasaevacuation center dahil natabunan ang kanilangmga bahay.

Samantala, dahil pinangangambahan ang matinding epekto ng El Niño Phenomenon, inatasan ng Palasyo ang Task Force El Niño namahigpit na tutukan at imonitor ang siwasyon ng lebel ng tubig sa mga dam, suplay ng kuryente at higit sa lahat ang presyo ng bilihin.

Ngayon palang, sa kabila ng pahayag ng gobyernona may sapat na suplay ng mga produktongagrikultural ang halaga nito ay hindi bumababa, nanatiling mataas.

Ayon sa Task Force sa pinakahuling pulong saMalacañang sa panahon ng dry spell, inaasahangaabot ang temperatura sa 36.5 degrees sa Metro Manila at 40 degrees sa Hilaga o Northern Luzon.

Wala pa ngang opisyal na deklarasyon na panahonna ng tag-init, subalit may mga ulat ng natatanggap ang Task Force ng kasiraan sapananim sa dalawang rehiyon sa bansa. Ito ay ang mga rehiyon sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula.

Ayon sa Task Force El Niño naapektuhan na ang mga pananim na palay at mais.

Kailangan talagang maghanda. Sa pagtaya ng Task Force kritikal ang mga buwan ng Pebrerohanggang Hulyo.

Harinawa, ang pinangagambahang matindingepekto ng El Niño ay hindi manalasa sa mgaPilipino.

Samantala isa rin sa dapat paghandaan ng publikoay ang umiinit na ‘temperaturang-pulitikal.’

Malakas ang palo ng barometro sa pulitika. Marahilay dahil na rin sa nalalapit na midterm election sa2025 at maagang paghahanda ng mga gustongsumabak sa 2028 national elections.

Isa sa mga binabantayan ay ang mga ‘moves’ niVice President Sara Duterte-Carpio matapossabihin nito na may plano siyang tumakbo sasunod na eleksiyon.

Hindi malinaw kung 2025 o 2028.

Kung 2028, tiyak Presidential Elections, kung 2025 sa Senado ba o sa Kamara?

May mga nagsasabi na kung sa 2025, tiyak saKamara.

Kung matuloy at makalusot, alam nyo na ang magiging kasunod.

Mabanas na panahon!

The post Mabanas na Panahon!  first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments