PBBM ayaw pasaklolo sa US vs China

Maghahain ng protesta ang Pilipinas kaugnay sa panibagong insidente ng karahasan ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos muling mag-harass, gumamit ng water cannon, gumawa ng mapanganib na maniobra at mangharang ang mga barko ng Tsina na nagresulta sa pagkasira ng isang patrol boat na kinontrata ng PCG sa resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Martes.

Ayon sa pangulo, ipapaalam aniya ng gobyerno sa China ang pagkadismaya at pagkondena sa ginawa ng kanilang puwersa at hangad na hindi na maulit ang ganitong insidente.

“Once again, we will make our objections known and hope that we can continue to communicate to find a way so that such actions are no longer seen in the West Philippine Sea,” saad ng Pangulo.

Gayonman, hindi nakikita ni Pangulong Marcos na gamitin ang Mutual Defense Treaty sa Amerika sa pinakahu­ling insidente sa China.

“I do not think that it is a time or the reason to invoke the Mutual Defense Treaty. However, we continue to view with great alarm this continuing dangerous maneuvers and dangerous actions that are being done against our seamen, our Coast Guard,” ani Marcos.

Sinabi ng Presidente na hindi maaaring ipagkibit-balikat ang ginawa ng China Coast Guard dahil apat na personnel ng PCG ang nasugatan sa ginawang pangha-harass ng China nitong Martes sa Ayungin Shoal.

Kaugnay naman sa naispatang Chinese Research vessels sa Benham Rise, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na isa itong malinaw na panghihimasok ng China sa maritime territory ng Pilipinas at hindi dapat na ipagwalang-bahala. (Aileen Taliping)

The post PBBM ayaw pasaklolo sa US vs China first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments