Kamara walang sasantuhin sa bigas scam

Sisimulan ng House Committee on Agriculture and Food bukas, Marso 7 ang imbestigasyon nito kaugnay ng pagbebenta ng National Food Authority (NFA) ng bigas sa ilang trader.

Ayon sa chairperson ng komite na si Quezon Rep. Mark Enverga ang direktiba ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa komite ay “walang sasantuhin” kaya otomatiko na ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga ganitong isyu.

“The Speaker has always tasked the committee to probe anything. Wala pong sasantuhin, walang sisinuhin kaya nga po automatic na po sa amin, at nabanggit nga po niya, make this a priority,” sabi ni Enverga.

Nanawagan naman si AGRI party-list Rep. Wilbert Lee kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walisin ang mga korap na opisyal at empleyado ng NFA upang bumalik ang tiwala ng publiko sa ahensya.

“Malaking kasalanan ang paglustay sa supply ng bigas, lalo pa napakamahal ng presyo ng pagkain at mga pangunahing bilihin ngayon,” sabi ni Lee.

Dapat umano ay hindi na makabalik ang mga sinuspending opisyal ang empleyado ng NFA na sangkot sa katiwalian. (Billy Begas/Eralyn Prado)

The post Kamara walang sasantuhin sa bigas scam first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments