Quiboloy namumuro sa kalaboso

Sinampahan na ng kaso sa dalawang korte si Pastor Apollo Quiboloy, ang isa rito ay non-bailable offense.

Ayon sa ulat ng Abogado, pormal nang kinasuhan ng qualified trafficking, isang non-bailable offense, si Quiboloy sa Pasig City Regional Trial Court.

Kinumpirma ito sa media ni Assistant Secretary of Justice at spokesperson Atty. Mico Clavano.

Bukod dito, ani Clavano, kinasuhan din si Quiboloy ng paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act sa Davao Regional Trial Court.

Kasama ni Quiboloy sa kaso sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemanes.

Paliwanag ni Clavano, walang piyansang itinakda ang korte para sa kasong kinakaharap ni Quiboloy sa Pasig habang nagkakahalaga naman ng P180,000 ang pansamantalang kalayaan niya para sa kasong sexual assault at P80,000 para sa maltreatment.

Si Quiboloy, founder at lider ng Kingdom of Jesus Christ at nagpakilalang ‘Appointed Son of God’, ay ipinapaaresto rin ng Senado dahil sa hindi pagsipot sa hearing patungkol sa reklamo ng human trafficking, panghahalay, sexual abuse at iba pang pangaabuso sa mga kabataan at kababaihan. (IS)

The post Quiboloy namumuro sa kalaboso first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments