CHED dapat silipin diploma for sale sa mga Chinese – Senado

Dapat maghain si UP Professor Chester Cabalza ng reklamo sa Commission on Higher Education (CHED) kaugnay ng umano’y diploma o degree for sale sa lalawigan ng Cagayan.

Ito’y matapos ibunyag ni Cabalza na ilang mga estudyanteng Chinese sa Cagayan ang nagbayad umano ng P2 milyon kapalit ng diploma kahit hindi naman nag-aaral at pumapasok sa eskuwelahan.

“May I suggest and urge Prof. Cabalza to file a complaint re this with CHED so that CHED can investigate this by issuing show cause orders to St. Paul’s University in Tuguegarao,” sabi ni Escudero, chairman ng Senate committee on higher education, technical and vocational education.

“A complaint is necessary, I believe, as this is an “academic freedom” issue that can have a serious push back against government regulators with oversight function over tertiary schools,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi naman ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na tungkulin ng CHED na suriin at maging strikto tungkol sa isyu.

Pinasisiyasat din ni Senador Sherwin Gatchalian sa CHED ang naturang isyu laban sa ilang unibersidad at kolehiyo sa Cagayan.

Sabi ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on basic education, bagamat sinusuportahan niya ang internationalization sa higher education institutions, mariin naman niyang tinututulan na ginagawang diploma mill ang bansa. (Dindo Matining)

The post CHED dapat silipin diploma for sale sa mga Chinese – Senado first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments