Gov’t official bet ipalimas swimming pool dahil sa `kasambahay’

Sino raw itong babaeng government official na sobra ang kaartehan sa katawan dahil ayaw nitong may nakakasamang panget sa swimming pool?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, bumisita raw sa country club itong opisyal dahil weekend naman at gustong magpagpag ng stress sa trabaho.

Naisipan daw nitong mag-swimming sa club upang makapagpalamig lalo pa’t medyo mainit ang panahon. Kumpleto sa gamit ang ating bida dahil may bitbit itong swimsuit at mga towel, pati na ang pampahid na lotion.

Noong lumalangoy na siya sa Olympic-size pool, bigla itong naimbiyerna nang makakita ng babaeng mukhang kasambahay at lumalangoy sa pool.

Agad daw umahon itong si babae at umorder muna ng maiinom na malamig na juice para mawala ang kanyang pagkainis.

Maya-maya, umahon na rin ang babaeng mukhang kasambahay. Doon daw nilapitan ng government exec ang manager ng club at sinabing palitan ang tubig sa swimming pool.

Hindi raw pumayag si manager dahil kapapalit lamang ng tubig at aabutin pa ng ilang oras bago gawin ito at tiyak na aangal din ang ibang bisita na lumalangoy sa pool.

Clue: Ang government official na gustong ipalimas ang swimming pool ay

may letrang P sa kanyang pangalan as in pool.

The post Gov’t official bet ipalimas swimming pool dahil sa `kasambahay’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments