Nick Vera Perez balik-‘Pinas para sa album tour

Umuwi ng Pilipinas ang Mr. United Nations International (Mr. USA United Nations 2023) at multi-awarded recording artist na na si Nick Vera Perez.

Simula bukas ang kanyang mall tour para sa promote ang kanyang second album titled “Laging Ikaw.”

Magbibigay saya siya sa KCC Mall de Zamboanga at the Atrium 3-6PM.

“Yes I am here to promote the album that was not promoted dahil sa pandemic,” deklara niya.

Ang ” Laging Ikaw” ay ang carrier single na may parehong titulo ng album na na-release noong 2021. It was massively welcomed by the crowd having the song listened to by more than 1 million downloads within five days of release.

Bukod sa “Laging Ikaw,” his other albums are “I Am Ready,” “Our Christmas,” “Parte Ng Buhay Ko,” and “UnAfraid.”

May 12 tracks ang album at available ito sa 220 digital platforms .

Hindi lang matagumpay na mang-aawit si Nick. Kamakailan ay nakapagtapos siya ng kaniyang Doctorate degree ng Nursing sa Walden University. Natapos din niya ang kaniyang Masters with a Nurse Executive concentration. Kasalukuyan namang kinukuha niya ang kaniyang fourth degree bilang nurse practitioner para maging DNP (Doctorate Nurse Practitioner)- NP (Nurse Practitioner).

” Yes I’m planning to have my own clinic. Sa awa ng Diyos talaga ay napagsabay sabay ko. Kaya naman gusto na rin matapos ‘yung promo naman nitong album ko. As I always say my target is to finish 10 albums.”

Bukod sa KCC Mall de Zamboanga at the Atrium bukas. Mapapanood din siya sa SM city Gen San on Mother’s Day (May 12,2024 from 3-6PM) at sa Davao City (Gaisano City Gate) sa May 14.

Nakasama niya sa kaniyang pagbabalik ang kanyang ermat na si Mommy Visitacion Tan, ang tiyahing si Carmelita Ico, at ang new-found talent bilang special guest rin niya sa kaniyang tour na si Ms. Evelyn Francia. Kilala rin itong singer sa Chicago.

Ilang local talents naman ang naimbitahang mag-perform sa mga mall show ni Nick.

Meron din siyang mall show sa Farmer’s Plaza Cubao sa May 18 (Saturday) Star Mall EDSA-Shaw sa May 19 (Sunday), Isetann Recto sa May 23 (Thursday) at Sta. Lucia on May 24 (Friday).

Maligayang pagbabalik sa ‘Pinas NVP!

The post Nick Vera Perez balik-‘Pinas para sa album tour first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments